Wednesday, July 31, 2013

Ang Pagkakataon

Sa trabaho.
Ang isa sa mga pinakamalalaking desisyong ginawa ko sa buhay ko ay itong mag-abroad.

Ni wala sa hinagap ko ang magtrabaho sa ibang bansa. Sabi nga nila, maraming sorpresa sa buhay. Mga bagay na di natin sukat akalain na mangyayari sa atin na makapagpapabago sa takbo ng ating buhay.

Dumating ang oportunidad sa akin na mag-abroad sa panahong, masaya na ako sa simpleng pamumuhay sa Bataan. Yun tipo bang alam ko na na magtatagal ako sa kumpanya. Dahil ang mga plano noon ay lumagay na sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya. Sakto iyon sa dasal ko na sana ay ikasal ako sa edad na trenta.

Ngunit sabi ng pagkakataon, hindi pa time para dyan.

Ang paglipas ng dalawang taong at hindi na inaasahang aplikasyon sa bansang Austalia, ay dali-daling bumungad sa aking harapin. Parang magic lang ang lahat.

Sino ba ang hindi nagulantang sa balitang ito? Na kahit na ang mga magulang ko na sa halip ay matuwa ay muntik ng tumaas ang presyon ni Mama sa pagkabigla.at si Papa na napatanga sa aking harapan.

Hanggang ngayon tinatanong pa rin ako kung bakit nag-abroad pa ako, gayong ayos naman ang buhay namin sa Pinas. Isa lang naman ang sagot ko, pinaalis ako ng pagkakataon dahil sa mga panahong iyon, yun ang pinakatamang gawin. Hindi dahil sa pinansyal kundi dahil may mga bagay na dapat gawin sa buhay at patunayan sa sarili.

Nag-uumpisa na akong magbuo ng mas malalaking plano sa buhay. Ngunit ang pagkakataon ay tila may ibang pinaplano.

Isang pagkakataon na naman ang kumakatok ngayon. Panibagong desisyon, panibagong hamon para sa akin.

Dalawang linggo para pag-isipan ang lahat.

Gulantang na naman!

2 comments:

  1. minsan hindi ko rin alam kung shit happened o better ang kapalaran ko kung bakit nasa ibang bansa rin ako kung ayos naman lahat sa akin sa pinas.

    Ayos lang yan, kaya mo yan. It's mean to experience.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat, Cyron. Matapos ang eargasm mong komento, nakakagulat din ito.
      Ang mahalaga siguro sa lahat ay ang paniniwalang ang lahat ay para sa ating ikabubuti. =)

      Delete



Free counters!