Tuesday, July 30, 2013

Pen Name

Alyas, a.k.a (also known as), nickname...
Sa ating kasaysayan ang isang manunulat ay tinago ang sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng ibang pangalan o alyas. Dahil ang laman ng mga likha ay laban sa namumuno o pagtaliwas sa mga panuto at batas. Ang pagtatagong ito ay para na rin sa kanilang kaligtasan.

Sa panahon ngayon, mayroon pa ring ganito. Pero para sa mga simpleng blogerong tulad ko, ang pen name ay hindi pagtatago ng sariling pagkakakilanlan, bagkus ito ay isang bagay na may pakahulugan sa aming sarili. Maaaring simbolo ng mga mahahalagang bagay o pangyayari sa aming buhay. Maaaring mismong bagay na kumakatawan sa kung ano ang nais naming ipakilala sa mga mambabasa ang aming sarili.

Kahit gaano man ito ka-wirdo, ka-tongue-twister, kakaiba o kaimbento, ang pen name na gamit ay repleksyon ng aming sarili, bahagi ito ng aming pagkatao.

Minsan na akong natanong bakit ngayon ay Mornyt na ang gamit kong pangalan sa pagsusulat.

Noong nasa sekondarya ako, may ilang mga tula na akong naisulat at drawings na ang gamit ko noong alyas ay Eos. (Hindi nga ba at ang email add ko ay eos...). Eos ay isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay Dyosa ng Bukang Liwayway (Goddess of Dawn) na ang katumbas sa Romano ay Aurora, na sya namang tunay kong pangalan.

Sinimulan kong gamitin ang Mornyt mga apat na taon na ngayon. Bakit nga ba?

Isang malupit na dahilan.

Ang Mornyt ay isang pagbati sa oras ng bukang liwayway na syang oras ng pagtulog. Gets mo? Simple lang, pinagsamang morning at night. 

Ang totoo, una kong natutunan ang salitang iyon ng  i-txt ito sa akin. 

Hanggang sa ang salitang iyon ay naging mahalaga para sa aming dalawa.

Hanggang sa ang salitang iyon ay naging simbolo niya.

Hanggang sa ang salitang iyon ay umukit ng pilat sa aking puso.

Mornyt - salitang galing sa isang tao na naging mahalagang bahagi ng buhay ko.










2 comments:

  1. parang mas bet ko sayo ang pen name na "Dyosa ng Bukang Luwayway". lakas maka eargasm.

    ReplyDelete



Free counters!