| Denaga Family |
| Living with us: Tita Ghie and son Joseph |
| Ang Mag-iina |
| Sisters: L-R, oldest to youngest: Marie, Grace, Beth and Myself |
| Ang mga apo. Wala pa kong kontribusyon dyan! =) |
| Mama and her magic popcorn! |
| Paagaw ng barya time! |
Hindi ko nakagisnan ituring silang kalahating kapatid. Simulat-simula ay minulat kaming magkakasama. Hindi man sa iisang bubong nakatira ngunit sa bawat pagdiriwang ng pamilya, kapiling sila.
At tuwing bagong taon, dito sa aming bahay lahat nagkakatipon-tipon.
At dumami, lumaki na ang mga apo.
Umiingay ang bahay, gumugulo, pero masaya.
Iba ngayong taon, kapiling nila ako.
Higit ang saya.
Tunay na kumpleto ang pamilya.
Masaganang Bagong Taon! =)

No comments:
Post a Comment