Wednesday, September 19, 2007

Friendly neighbors

Dalawa lang kami ni Weng sa bahay dito sa Bataan, pero lagi kaming may bisita...

Gusto ko ng maniwala na super hospitable kami...
Kagabi pagka-uwi ko ng ala-onse, sinalubong ako ng bisita naming tahimik na nagmamasid sa isang sulok ng bahay... deadma ko lang sya... tumuloy ako sa kwarto at nagbihis. Aba kung hindi ba naman tahimik pero may kakulitan sya ay sinundan ako sa kwarto...
meet insy-winsy spidey....


Kumuha ako ng walis tambo at sinubukang walisin palabas ng bahay...
Ay susme!!! muntik ko ng maitapon yung walis tambo. Aba naman! imbis na lumayo eh kumapit dun sa walis at saka lumapit dun sa may hawakan ng walis...

waaahhhh! si insy-winsy spidey naman hindi na mabiro... welcome to your new home...
(next time na lang ulit tayo mag-sparing...)


Matagal na ring hindi kami binibisita ni Rat-atouille buhat nung lagyan namin ni Weng ng screen yung open canal sa likod... Pasensya na hindi ka namin nami-miss...









mga 2 days before dumating si insy-winsy spidey, naunang dumalaw sa kanya si froggie prince jr.
Kung anong nilaki nitong si insy-winsy spidey eh sya namang niliit nitong si froggie prince jr.

at ang paboritong tambayan nya sa bahay ay sa loob ng comfort room... (dun nya natagpuan ang comfort eh...)

Nakikisabay maligo sa 'min...

'Nak ng tokwa...swerte mo naman... huwag ka lang tatalon papalapit sa kin dahil sigurado mapipisa ka...
After 2days bigla na lang syang nawala... hindi man lang nagpaalam...
And of, course, kung may jr. may sr.

meet froggie prince sr.

Sya ang bisita naming hindi ko nakuhang i-entertain...
'Lumayo ka sa kin... kahit maging prinsipe ka pa... o kaya si derek ramsay...(teka, pwede exception to the rule si derek?) hinding-hindi kita hahalikan.....

At syempre ang aming loyalty award neighbor... ang alaga ni Manong dun sa unang apartment... na laging nag-iiwan ng bakas saaming veranda mapa-umaga, tanghali o gabi....








doggie 1 and doggie 2



Other regular visitors:


Freddie Cockroach and Family








Ms. Mosquito-pakipot








Mr. and Mrs. Black-Red Antz














Mr. Fly High





Sino kaya next visitior namin? can't wait! hehehe!