Light Rail Transit o LRT ang unang tren kong nasakyan. Naalala ko pa yung kwento sa Pagbasa kong libro noong nasa elementarya pa ko. Ayon sa kwento, nagkakagulo ang mga jeep, trak, bus, kotse at iba pang uri ng sasakyan sa pagtatayo ng isang mahabang tulay na may riles sa itaas. naiinis sila sapagkat abala sa trapiko ang ginagawang tulay na ito. At ng matapos ito lahat ng sasakyan ay nagulat ng may nakitang may tren na umaandar sa ibabaw ng tulay. Sabi ng jeep, 'aba! ang yabang naman nitong bagong sasakyan na ito, akala mo kung sinong matulin tumakbo'. sabi ng bus. 'oo nga at kung makapagsakay ng pasahero ay hindi nagtitira', at lahat ng sasakyan ay.... ah! hindi pala yan ang gusto kong ikwento...
Tuwing pupunta kaming Caloocan ni Mama, LRT ang sinsakyan namin mula Edsa/Pasay hanggang Monumento... at dahil bata pa ko nun, lagi akong nakatayo sa upuan at nakaharap sa salaming bintana, tinitingnan ang lahat ng gusali, daan, puno at karatula ng Jollibee na madaanan. Pero ang lagi kong inaabangan ay ang mga tila malalaking bahay na makulay at magarbo ang disenyo, na may mga buda sa pintuan...sabi ni Mama ko, Chinese Cemetery daw yun... (at oo, hanggang ngayon kapag nasasakay ako sa LRT, inaabangan ko pa ring madaanan iyon...).
Yung malaking orasan na kulay pula... Sabi ni Mama Orasan ng Maynila iyon. Bago dumating doon, yung malawak na lugar na may mapa ng Pilinas na nakalutang sa tubig... Tama, Luneta nga ang tinutukoy ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko noon, sana bumaba kami sa Luneta at mamasyal bago kami dumeterso sa pag-uwi, kaso hindi naman kami bumababa, hanggang tanaw na lang ako.
Laging masaya ang paglalakbay tuwing sumasakay ako ng LRT noon, hindi pa kasi siksikan masyado noon at higit sa lahat bida ako sa kwentuhan naming magpipinsan...
itutuloy....
No comments:
Post a Comment