Thursday, June 12, 2014

Ika-116 na taon ng Araw ng Kalayaan

Barrio Fiesta 2014 dito sa AU.
Ang iba't ibang Filipino communities dito sa AU particular sa Queensland ay nagsama-sama upang gunitain ang ika-116 na taon ng Araw ng Kalayaan ng ating bayang sinilangan.
Naghain ng mga pagkaing Pilipino. Ipinagmalaki ang mayamang kultura ng ating mga katutubong sayaw at musika. At nagbigay ng libreng serbisyo legal at payo ukol sa iba't-ibang uri ng visa mayroon dito.
Isang napakasaya at matagumpay na selebrasyon para sa lahat. Ang lumalaking bilang ng mga pamilyang Pilipino, puro man o half-cast (Fil-Aus) na naninirahan dito.

Ginanap sa Rocklea Showgrounds noong Ika- 8 ng Hunyo.






Igorot Dance

Muslim Dance

Igorot Dance

Rondallla

Tinikling

Binasuan/ Pandanggo sa Ilaw

Sayaw sa Salakot


Isang koro ang umawit ng mga awiting Filipino

Isang kundiman

Indiyano, Sri-Lankan, Indonesian, Filipino ang mga ito.


Isang maghanpong na biniyayan ng magandang panahon, kasiyahan at kabusugan.
Mabuhay ang Lahing Pilipino!