Tuesday, April 01, 2014

Car Service

Importante dito ang car service o car maintenance check.
Dahil bago ang aking sasakyan, may complimentary car service check ako after 1 month o 1,000km odometer reading o kung alin man ang mauna.

Kailangan ito ipa-book o ipa-schedule para maka-request ka ng car service o yung ipapahiram sa iyo na sasakyan habang ang sarili mong sasakyan ay nasa kanilang pangangalaga. O kung hindi mo naman kailangan ng car service at nais mo lang hintayin ito, ay maaari naman. Ang kanilang waiting lounge ay may libreng kape, biscuit, bread, may tv, reading materials at isang play pen at activity area para sa mga bata. Mayroon ding car service shuttle kung sakaling nais na magpahatid sa isang lugar at magpasundo matapos na ma-check ang sasakyan.

Maaga ang appointment namin ni Dos ngunit pila na sa car service center. Mabilis naman ang lahat ng staff at maganda ang serbisyo. Dahil isang oras lang naman ang aking car check, ay hinintay ko na lang ito.



Ang lahat ng maintenance check na ito ay isunusulat o nirerecord sa sariling car logbook. Kada anim na buwan o sa kilometro na nakasaad ang schedule nito. Mahalaga ang logbook na ito dahil sa ito ang tinitignan kung nais na ipagbili ang sasakyan o di kaya ay bumili naman ng isang segunda mano na sasakyan upang makatiyak na maayos pa rin ang sasakyan na binibili. Mandatory ito sa lahat ng sasakyan dito.


No comments:

Post a Comment



Free counters!