Monday, March 31, 2014

Lent - AU

Para sa selebrasyon ng Semana Santa.

Ang Filipino Commmmunity dito sa Brisbane ay magsasagawa ng tradisyonal na Filipinong "Salubong" sa Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday). Isang selebrasyon sa pag gunita ng pagkabuhay ni Kristo.


Iba-iba ang relihiyon dito sa Australia. Mayroong Katoliko, Protestante, Christian, Anglican, Buddhist , Hindu, Islam, Jehova at maging ang mga hindi naniniwala na may Diyos. Walang nakahihigit na bilang ng relihiyon dito. Iginagalang ang iba't-ibang paniniwala at malaya itong ipinahahayag.

Ang buong bansa ay holiday din sa araw ng "holy week" kung sa Pinas, ngunit ang tawag dito ay Easter Holiday at nagsisimula ito ng Biyernes Santo hanggang Easter Monday naman. (Sa Pinas, nagisimula ang holiday ng Huwebes Santo hanggang Linggo Ng Pagkabuhay, kung kawani ng gobyerno ay half-day na ng Miyerkules Santo pa lamang).

Ang tradisyon ng Katoliko ay isinasagawa rin dito, hindi nga lang tulad ng sa Pilipinas. Lalo na ang Bisita Iglesia, dahil dito may oras lang na bukas ang mga simbahan at syempre wala ritong nagpepenitensya at nagpapapako sa krus.

No comments:

Post a Comment



Free counters!