Wednesday, February 26, 2014

My 34th!

Walang malaking selebrasyon o handaan. Ngunit ang buong araw ay napakasaya sa piling ng aking mga magulang at mga kaibigan.

Nagising sa alarm ng lumang mobile phone ni Papa na aking ginagamit bilang roaming phone. Naka-reminder pala ito sa kanya.


Bumangon upang puntahan ang isang lugar para sa aking "pamper-time".
Maagang naligaw para hanapin kung saan dito ang aking appointment.



Matapos ang isang 90-minute "pampering". Derecho na sa pag-renew ng aking lisensya sa pagmamaneho.


Ni-renew na ang lisensya para sa loob ng limang taon.
Tanghalian na ng matapos.
Heto ang aking birthday lunch.


Nagmamadaling umuwi para sa pinaka-importanteng appointment sa lahat.
Para sa kanila.



Oo, naiyak ako sa tuwa dito. Na-homesick syempre.
Sa pagsapit ng gabi, sila naman ang kasama ko.





Napakabuti nila sa akin. Maraming, maraming salamat Peter at Tita Bing.