Thursday, February 27, 2014

Day 3: 34th

Isang buong araw na kasama ang mga kaibigang tunay.
Salamat sa araw na inilaan para sa ating munting selebrasyon, Efren at Weng.

Sa Tangalooma Island Resort, nag-day cruise.

Sa halagang 65 AUD, maaari ng makapag-day cruise dito. Nandoon na ang transport fare (ferry), 20AUD worth ng lunch at ang paggamit ng lahat ng amenities sa resort, lalo na sa mga sports tulad ng tennis, archery, basketball at iba pa.

Kung nais na mag-scuba diving o snorkeling, dolphin feeding, sunset viewing at marami pang ibang activities ay may dagdag na bayad. Syempre may accomodations sila kung nais pa manatili ng ilang araw.

Sulit na sulit na ang isang buong maghapon para mag unwind at mag-recharge dito.

 Bagong gising, pero si Weng wala pang tulog mula sa graveyard shift.



 Ang classic na jump shot!

 Parang pre-nup pic lang.








 Dolphin Feeding. Dumarayo ang mga wild dolphin tuwing 7:30 ng gabi para sa kanilang hapunan dito.

Ang dami nila.

Maraming salamat para sa isang napakasayang araw na ito.

*photos courtesy of RG.