Masaya mag-organize ng mga events.
Bata pa lang ako, tinitipon ko na ang mga kalaro ko para sa isang mas masayang grupo ng paglalaro. Walang kumokontra, walang nagrereklamo dahil wala namang kuskos balungos ang mga musmos noon. Basta laro, sige, larga.
Nung nag-highschool na. Nagbubuo na ng kani-kaniyang circle of friends, ayon sa hilig o ayon sa mga prinsipyo o iba pang kaartehan. Pero simple pa rin ang mag-organisa ng mga lakad, dahil tropa ko ang kani-kaniyang lider ng mga grupo.
Sa kolehiyo. Mas malaki na ang sakop, buong eskwelahan. Naging presidente ako ng isang organisasyon na humahawak ng halos lahat ng mga paligsahan at programa sa aming unibersidad. Kilala ako sa katarayan bilang lider. Ang mga opisyales ko noon, mga simple kausap, may kumokontra, may kritiko, ngunit gumaganap pa rin ng kanilang tungkulin. Kung ano ang napagkasunduan, matapos ang mga deliberasyon, kumikilos lahat, sumusuporta, nagkakaisa.
Sa trabaho, naroon pa rin ang mga yayaan. Ang bumuo ng mga lakad. At sama-samang magsaya at mag-ipon ng mga magagandang karanasan at alaala. Swimming, sine, dinner, travel, gala.
Ngayon, bumubuo pa rin ako ng mga lakad. Nag-o-organize pa rin ng mga simpleng pagtitipon o get-together. Pero mas kakaiba ngayon. Sa iilang tao lang na inaasahan kong susuporta, ay wagas ang pasensya na ibinubuhos ko. Extreme personalities, ika nga. Kung titignan pwede ng mga border sa Bahay ni Kuya.
Ngayon lang ako nakasalamuha ng mga taong kakaiba talaga ang mga personalidad. Yun tipo bang nagkakasundo kayo sa ibang mga bagay pero mas maraming hindi. Hahaha! Siguro dahil talagang iba't ibang klase ng tao. Hindi lahat ay tutugma sa wavelenth mo. Siguro lang nasanay ako na ang mga taong nakasama ko ay nakasundo ko ng bonggang-bongga, may ilang mga nakabanggan naman pero nagkasundo pa rin. At oo, mas nagmature na nga ako, at ang katarayan ko sa pag-o-organize ng mga event ay napalitan ng paghinga ng malalim at pagpapasensya.
I can't please everybody. So I won't.
No comments:
Post a Comment