Wednesday, September 04, 2013

Makiki-Serye Lang

Mag-uumpisa ako ng serye ng mga kwento.
Iba't-ibang kwento ng buhay-buhay. Buhay-abroad, buhay-OFW, buhay-pag-ibig, buhay-single, (wala pang buhay-may-asawa). Sa aking paligid, sa aking karanasan.

Susubukan kong magkwento ng mga bagay-bagay sa buhay ko, may aral man o wala. Hehe!

At mga kwento ng mga taong nasa paligid ko, kaya mga kaibigan ko, hintayin mong ang kwento mo ay maisulat ko. Huwag mag-alala blind item naman. Hehe!

Umpisahan ko ang serye ng mga kwentong abroad slash kwentong OFW ko at ng mga kaibigan ko.

Huwag mahiya mag-comment. Basa ka lang ng basa eh.

Tumambay muna sa blog ko. Enjoy reading.