Friday, September 06, 2013

Ang Pagsulat

Isang mensahe mula sa kaibigan.
Nagsimula na ang patimpalak sa pagsulat ng isang blog awards. Salamat James sa balita.

Nakakatuwa at may iba't ibang kategorya ang malikhaing pagsulat: Tula, Sanaysay/Blog, Maikling Kwento at Kwentong Pambata.

Ngunit walang ideya na pumasok sa isip ko ng mabasa ko ang tema para sa taon na ito.

Siguro dahil nasa "normal" akong estado. Ang pagod ng katawan at isip ay tila nakasanayan na. Ang pagluha at pagkalungkot ay tila hindi na alintana. At ang puso ko? tahimik lang na tumitibok, tila kalmado lang naghihintay sa isang bagong pag-ibig. (ang motto: Patience is a virtue).

Hindi ko pa nagawang magkwento ng inimbento ko lang. Kung hindi sarili kong karanasan ay sa mga taong nakilala at nakasalamuha ko. Kaya sa blog na ito, lahat ay may pinaghuhugutan. (yun yun eh!).

Mahirap ang tema para sa akin, pero susubukan ko pa rin. Ako pa? Ano ba ang kinakatakutan kong subukan?--- ang umibig na muli... (may ganon talaga!) =)