Monday, August 19, 2013

Tough Times

Sa nakalipas na dalawang linggo.
Matagal din mula ng huli kong blog entry.
Marami ng nangyari.

Ang pagkakataon na dumating ay pinalipas muna. Hindi pa panahon para sa bagong mundo.

Ang dalawnag linggo sa Prep Shed ay makabali-likod. Napakahirap na trabaho.

At ang kahapong balita ay napakasakit para sa akin at sa buong pamilya.

Tough times.

Sa pagpanaw ng aking pinkamatandang kapatid sa ina, Ate Marie.

Mama and my sisters, New Year 2013, Ate Marie in green-striped blouse
Ate Marie, thank you for being a good sister, for all the wonderful memories we had. We love you. Rest in peace with our God Almighty.

Dalangin ang hiling para sa kaluluwa ng aking kapatid.


***
Ang nais ko'y isang mahigpit na yakap,
O di kaya'y hawakan ang aking kamay;
Manatili sa aking tabi kahit ilang saglit
At samahan ako sa aking katahimikan.