Saturday, August 31, 2013

Tough Times pt.2

Isang araw na lang at -ber months na.
Malapit na ang Pasko.
Tinanong ako ng isang kasamahan kung saan ako ngayong darating na Pasko. Marami sa mga kasama kong Pinoy sa lab ang uuwi ng Pinas.

Sabi ko, kahit sino sa mga tita na kaibigan ko dito magpapa-ampon ako. Kung hindi lang mag-shutdown ang lab ng mga panahong yan, papasok ako. Magpapakapagod para pag uwi ng bahay makatulog agad. Lilipas din ang araw na yan na parang pangkaraniwang araw na lang.

Ang bitter naman.

Naiisip ko kasi si Mama. Ngayong darating na Pasko siguradong malungkot. Tuwing Pasko at Bagong Taon kase, sa amin nagbabakasyon si Ate Marie kasama ang mga anak nya.

Nung uwi ko nitong Mayo, sabi ni Ate Marie sa akin, ulitin daw namin yung swimming ng buong pamilya kase masaya talaga ang lahat. Sabi ko sa kanya, sa pag-uwi ko ulit.

Pa-siyam nya nitong nakaraang Linggo.

Tuwing kausap ko si Mama sa telepono, napapaiyak pa rin sya, kaming dalawa pala.

Kung pwede nga lang sigurong mag 24/7 ako sa trabaho, gagawin ko. Malibang lang ang isip.

Ang hirap.

Mas malupit pala ang hirap ng mga ganitong panahon kesa nung mga panahong broken lovelife ako.

Salamat pa rin at sa trabaho ngayon kahit papaano ay busy na ulit.

Wagas pa rin ang pagod ng katawang lupa ko at ang isip ko.

Inhale... Exhale...

Pasasaan ba at ang bahaghari ay lilitaw na din.

*********

2013, makulay na makulay ka! Sa huling apat na buwan mo, aabangan ko pa rin ng buong tapang ang ikukulay mo sa buhay ko. (Sana pula, para sa bagong pag-ibig!) (o sya, para sa mas reachable, dilaw na lang para sa bagong kotse!) - ako na ang kulang sa tulog!
 

No comments:

Post a Comment



Free counters!