"May pinagdadaanan lang..."
Mas malupit pala ang balita matapos ang tila semana santa sa Hulyo.
Kagabi hindi na kinaya ng powers ko na hindi maramdaman ang lungkot, ang takot at ang pag-iisa. Hawak ang telepono, naghahanap ng matatawagan, bumungad ang pangalan nya. Isang malalim na paghinga, sinusubukan ko ang sarili kung may lakas pa ng loob para tawagan sya.. umiling na lang ako.
Malungkot na nga, mapapahiya pa ko.
Hindi biro ang mag-isa sa mga panahong ganito, malayo pa. Kakayanin naman, syempre, kaso darating talaga na tumitiklop at ang lahat ng tapang at lakas ng loob ay nauubos.
Pasensya na po, talagang may pinagdadaanan lang. Hindi ko lang maipaliwanag.
Maraming salamat, Zash, sa iyong pagdamay at pakikinig sa aking paghikbi. At sa ilan pang kaibigan na tila kinatok ng aking anghel at naalala akong kamustahin.
Isama nyo po ako sa inyong dasal, para sa lakas pa ng loob at katatagan.
be strong au!God has prepared the best plans for you...don't worry much..received His blessings always!take care!
ReplyDeleteSalamat po sa pagdamay at pagbibigay ng lakas ng loob!
DeleteJeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you", says the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a bright future. " Ate, everything that God allows to happen in our lives has a purpose. Sometimes, I can't seem to understand why things had to come in a way that I am not expecting it but one thing is for sure, God's promises is not meant to be broken and He will be faithful until the end. God bless you, ate. :) -bunso
ReplyDeleteGod bless you too bunso! Maraming salamat sa suporta at sa dasal. =)
Deletekaya mo yan Au! Kaw pa!
ReplyDeleteMaraming salamat pareng James, sa pagsuporta at pagdamay. God Bless us!
Delete