Saturday, June 08, 2013

Isang Linggo Na Lang

Malapit na nga.
Isang linggo na nga lang at babalik na ako ng Australia.
Tahimik na rin dito sa bahay at kaming tatlo na lamang nila Mama at Papa ang nandito. May mga ilang kamag-anak na dumadalaw pa rin, ngunit hindi na isang batalyon. Hehe!

Inumpisahan ko na ring iligpit ang mga kalat ko sa kwarto at ilagay sa maleta ang mga damit na pinamili ko. Halata ko na rin ang lungkot sa mukha ng aking mga magulang, syempre dahil aalis na naman ako at oo, matatagalan na bago ako umuwi ulit. Hindi na lang isang taon ang kanilang hihintayin para sa aking pagbabalik, isa't kalahating taon na. Balak kong dito naman mag-Pasko at bagong taon sa 2014. Kasal din kase ng pinsan ko iyon, at nakiusap sya na pumunta ako, syempre naman pupunta ako.

Tama na rin na hindi na ako madalas umuwi, tutal pinili ko naman na dun na sa Australia manirahan. Pagbalik ko doon, uumpisahan ko nang ayusin ang papel nila Mama at Papa para makuha ko na rin sila at kahit papaano ay makapag-bakasyon doon. Pero mag-iipon na muna ako.

Marami pa akong plano para sa mga magulang ko at sa kabuhayan nila dito sa Pilipinas. Pero sabi nila, unahin ko daw ang plano ko mag-asawa. Aysus naman! bumalik na naman dyan!