Tuesday, May 21, 2013

Tambay

Bakasyon nga.
Dalawang araw na akong tambay lang dito sa bahay.
Kahapon nakapagpahinga na ako ng maayos.

Wala naman talaga akong mga lakad o gala maliban lang sa out-of the-country trip ko kasama sina Papa, Mama at ilang kaibigan sa susunod na linggo.

Tambay nga.

Naghihintay ng txt ng ilang mga kaibigan kung kailan sila pwede na makipagkita at ng makapagkwentuhan man lang. 

Nais ng puso kong makita ka, Mornyt. Kaso takot na ako na ma-turn down na naman. Mapahiya ulit. Naubos na nga ang lakas ng loob ko, sa makailang ulit na na-deadma lang ako. Siguro nga, hindi ko na dapat ipilit pa. Matigas lang talaga ang ulo ko. Sa buong panahong hinintay ko na makauwi ulit ako at pag-asa na magkita tayo... (So near yet so far)

Tanging hiling na lang, sana kahit papaano sumasagi ako sa isip mo.