Graveyard shift.
Nagrequest ako ng mas maagang duty, 8pm-4am, since ang flight ko ay alas-9 ng umaga. Pagkauwi galing trabaho, naglaba pa at huling ligpit ng mga gamit. Alas-6 sinundo na ako ni Tita Agnes at hinatid sa airport.
Hindi ko ramdam ang pagod at puyat dahil masaya ako ngayong pag-uwi ko.
Deretso sa check-in counter, kampante ako sa timbang ng mga bagahe ko.
"Next please!" sabi ng check-in counter attendant.
Tinimbang na ang bagahe ko. Hala! tumunog ang alarm ng weighing conveyor at "Over, 32kg" ang nilabas sa screen.
"Sorry ma'm your ticket is only allowed for 20kilos, and your baggage is 32kilos."
Nag-init ang tenga ko, pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Natulala ako sa harap ng attendant. Nagkalkula na ang utak ko kung magkano na ang babayaran ko sa mahigit 10kilo na overbaggage. O di kaya ay babawasan ko ang bagahe at itatapon na lang ba ang sobra o tatawagan ang kaibigan para sa kanya ibigay ang sobra sa bagahe. Susmiyo!
Napansin ng attendant na hindi agad ako nakapagsalita.
"Ma'm are you alright?!"
"Uhm, Yup yes, uhm I'm so sorry for the overweight, I know that the allowed luggage weight is 30kilos that's why."
"Ah Yes, ma'm, it's a common mistake, we have a ticket that allows 30kilos, you probably miss this one, your ticket only allows 20kilos. But I will let you check-in your luggage, without penalty, but when you come back make sure you will only have 20kilo luggage, because it's more strict in the Philippines."
"Oh my God! You are an angel miss! Thank you, thank you so much! Yes, I'll make sure I will not have an overweight luggage when I came back here. Thank you so much again."
"That's alright, I know you bring a lot of gifts to your family in the Philippines. It's always like that, but we remind them that it's not always like this that we allow overweight baggages."
"Oh miss you are my saviour, bless you!"
"Thank you, have a pleasant flight!"
Maraming anghel sa paligid ko ng araw na iyon, sa mga katrabaho ko na nagbigay ng safe trip messages, si Tita Bing na kasama ko sa bahay, si Tita Agnes na hinatid ako sa airport, at ang check-in attendant na pinayagan ang over-overweight na bagahe ko.
At sa eroplano, wala akong katabi, kaya ayos ang pwesto ko sa pagtulog.
Alas otso y media ng makalapag ang eroplano sa NAIA Terminal 1, alas diyes na ng makauwi kami sa bahay. Dun ko naramdaman ang pagod at sakit ng katawan ko.
Hindi ko na inalintana... ang mahalaga...
I'm Home!
Enjoy Au!Buti na lang mabait ang ground staff!
ReplyDeleteSinabi mo pa James, kulang na lang talaga yakapin ko si ate attendant sa bait nya. =)
Delete