Nung Lunes, lumabas kaming magkakaibigan para mag-shopping. Sila bumili ng damit para sa winter, ako naman, mga pang-pasalubong.
Pumasok ako sa Nike Outlet Store. Nung unang pagkakataon na pumasok ako rito, tumambad sa akin ang isang t-shirt na pagkakitang pagkita ko pa lang alam ko na kung para kanino ko ibibigay.
Ilang minuto akong nakatayo sa harapan at minamasdan ang t-shirt na 'yon. Lumapit ang isang staff at nagtanong kung anong size ang hinahanap ko, sabi ko XL, pero sabi nya L na lang daw ang size. Inabot nya sa kin yon. (Side note: Gwapo ni kuyang staff, kaya kinausap ko pa, hehehe). Tinanong nya ko kung masyado daw bang malaki ang pagbibigyan ko, sabi ko siguro ka-size nya. Sabi nya, large lang ang size nya. Ayun nakumbinsi na ko sa size na yun.
Sobra sobra akong na-excite sa t-shirt at sa taong pagbibigyan ko nito. Siguradong sigurado ako sa sarili ko na magugustuhan nya yun. Di ko lang alam noon kung pano ko ibibigay (dahil gusto ko sana personal kong iaabot).
Nung Lunes, nandoon ulit ako. Meron ulit akong nagustuhan para sa kanya. Pero, di ko na binili. Bakit naman? Siguro kasi hindi na tulad ng dati na nagkakausap pa kami kahit papaano. Walang na rin akong balita sa kanya. Ti-nxt ko sya minsan, di naman nagreply. Kaya di ko na sinubukan ulit. Ilang beses na rin naman kasi akong nagtxt at walang reply. Di ko naman matawagan kasi...
Wag ng mapilit.
Kahit papaano nakita ko namang isinuot nya iyon. Di nya lang alam kung gaano ako kasaya ng makita ko ang ilang laarawan.
Oo nga naman, t-shirt lang nga siguro iyon para sa kanya. Walan namang kakaiba doon. Pero para sa kin, hindi lang t-shirt yun, binili ko yun para sa kanya lang, binili ko yun ng buong saya at buong pananabik na makitang nagustuhan at suotin nya iyon.
Buong pananabik.
No comments:
Post a Comment