Saturday, December 01, 2012

Sana Ngayong Pasko

Ay maalala mo pa rin ako...
At natagpuan ko na naman ang sariling kinakanta ito. Parang tuwing Pasko na lang kanta ko 'to. Hahaha!

Maraming salamat sa mga kaibigang nagpadala na ng kanilang pagbati ng Maligayang Pasko (sabay hingi ng pamasko! Hehe!).

Mayroon ba akong hinihintay na matanggap ngayong Pasko?

Oo naman, syempre, hinihintay ko ang Christmas Cards mula sa aking mga magulang. Ang txt o FB message ng mga kaibigan, kung may tumawag man sa akin, aba sorpresa na iyon.

Ang totoo, naghihitay talaga ako ng Christmas Card... alam ko namang malabong mangyari... ngunit aasa pa rin, Pasko naman, baka sakaling mapagbigyan ng pagkakataon...

Tanging hiling ngayong Pasko.


Padalang Christmas at Birthday Cards sa akin

At kahit wala ka na,
nangagarap at umaasa pa rin ako...