Ilang araw na lang Disyembre na!
Habang nagkakagulo ang lahat ng mga katrabaho ko sa pag-file ng kanilang mga holidays, tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. Nakakatuwang pagmasdan ang kanilang mga mukha. Lahat excited!
Ako? tamang inggetz lang.
Gusto ko ring umuwi!
Ngunit, datapwat, subalit... naka-kompromiso na ako. Kung dangan ba naman ang pag-iba ng ihip ng hangin sa trabaho at sa ekonomiya ng Australia. Lahat gulantang sa mga pangyayari. Binulabog ang mga kaplanuhan sa buhay.
Anim na lang, mula sa labing-pito, kaming natirang papasok sa buong linggo ng Kapaskuhan. Nakabakayon na sila. Inggetz.
Gusto ko ring umuwi!
Sapat na nga sigurong dahilan na makapiling ang pamilya at mga kaibigan sa pag-uwi. Ngunit sa akin, may lungkot na hatid ang umuwi sa Pilipinas... yung tipo bang lungkot na alam mong malapit ka na doon sa taong kinasasabikan mong makita at makapiling... ngunit... ang ilang kilometro na lang na pagitan ay tila kalawakan pa sa layo.
Marahil sa susunod na pag-uwi ko, natutunan ko ng manhidin ang sarili ko sa lungkot na iyon. Hindi ako napagod, hindi rin sumuko, naubos lang siguro ako... sa kabibigay, sa pagsubok na makausap, sa paghihintay...
Ngayong Disyembre, gusto kong umuwi!
Ngunit mas makakabuti kung dito na lang ako, mananatiling malayo...
Maligayang Pasko sa iyo, Mornyt!
Merry Christmas Din ^_^ ramdam ko ung nararamdaman mo...
ReplyDeleteNakaka miss na ding umuwi ^^
Magsipag-uwian na tayong lahat. hehehe!
ReplyDeleteMga kapwa ko OFW, tara na! c',)
ReplyDeleteDi ka nag-iisa, tulad mo ay gusto ko ring umuwi pero ang mahal ng pamasahe dito hehe
ReplyDelete