Friday, October 19, 2012

Tropang 8

Mga alaala.
Naming magbabarkada noong hayskul.

Kilalanin:
Mga nakatayo simula sa kaliwa:
Ang "ATE" - ako yun (hindi ako ang pinakamatanda sa edad pero sumusunod sila sa akin)
Ang "MADER BREYN" - Rosalie (aming Salutatorian)
Ang "PRINCESS" - Jennifer (forever muse)
Mga nakaupo:
Si "TANG" - Martha (hustler sa bilyaran, anak kase ng may-ari ng kilalang bilyaran sa San Pedro)
Si "SYDNEY" - Ada (lakas ng appeal)
Si "BUNSO" - Rhea (ever baby face)
Si "LEI" - Leah (makulay ang lovelife)
Si "ZASHI' - Shirley (my travel buddy)

Paano nabuo?
Sila na mga simula sa A ang apelyido : (magkakatabi sa upuan) Abraham, Alfante, Altejos, Angeles, Aragon
Kaming mga taga-Putatan: (magkakapitbahay) Denaga, Mendigo, Tulod

Sabay-sabay na naglalakad at humahabol sa jeepney byaheng Alabang-Muntinlupa, tuwing uwian.
Nagtugma-tugma ang mga hilig sa lahat ng bagay.

Kame nina Jennifer at Martha, magkakaklase na elementarya pa lamang.
Dumating sina Leah, Shirley, Rosalie, Ada noong unang taon namin sa hayskul.
At ang huli si Rhea noong ika-lawang taon na sa hayskul.

Nayong Pilipino field trip
Sa aming likod bahay, sa ilalim ng puno ng Indian Mango.
Nasaan na kami ngayon?
Mga nasa Pinas;
Shirley - Muntinlupa, dalaga, sa call center nagtatrabaho.
Jennifer - San Pedro (di ako sigurado), may asawa at isang anak
Leah - Cavite, sa Alabang nagtatrabaho, engaged na
Martha - Bulacan, maybahay at may 2 anak
Rhea -  Quezon City, may asawa, wala pang anak
Rosalie - hmmmm ang alam ko lang may asawa na sya

Abroad:
Ada - UAE, may asawa at 3 anak (hindi ako sigurado)
Aura - Australia, dalaga pa rin

Nahalungkat ang mga larawang ito nung ako'y umuwi nitong Hunyo.

June 2012, kame na lang ang nagkikita-kita

Kaysarap balikan ang hayskul layp.

2 comments:

  1. super like. ang payat ko parang walang kinakain at sakitin. hahhaha...

    ReplyDelete



Free counters!