Pasko 2011. Pinakamasayang Pasko sa buhay ko.
Kahit na madalas na kong hindi mag-pasko sa amin, simula ng mapalayo ang trabaho ko. Ibang-iba ang Pasko ko ng nakaraang taon.
Pinakamasaya sa lahat ang mga magulang ko.
Yung mahigit isang taon na wala ka sa piling nila, nabawi ng ilang araw na pamamalagi sa bahay na aking kinalakihan.
A-beinte-tres ng Disyembre. Mga alas-dos ng madaling araw. Nagising ako ng kinumutan ako ni Mama sabay haplos sa aking noo.
"Pasensya na anak at nagising ka, matulog ka na ulet."
Pumungas ako at namasdan na sya'y lumuluha.
"O, Ma bakit ka umiiyak?"
"Masayang-masaya ako, Au, kami ni Papa mo at nandito ka."
Ngayon kayang darating na Pasko?
Brisbane City's Christmas Tree 2011 |
sana maging masaya ang Pasko mo kasama ang buong family ^_^
ReplyDeletenapadaan lang ^^
salamat po, Jon.
DeleteDi ako magpapasko sa Pinas ngayon eh. :(
Ganunpaman, masaya pa rin sa piling ng mga kaibigan rito.