"Aling Norma sulat po!" sigaw ng kartero.
Dali-daling binitawan ang sandok at humahangos para tanggapin ang isang makapal na sobre.
"Au, anak halika dali at may sulat sa tin ang Papa mo", pagtawag sa isang batang babaeng naglalaro sa salas.
Kinandong ang anak at binuksan ang sobre. Sinimulang basahin ang kung ilang pirasong papel na animoy mga pahina ng isang aklat.
"Anak, may birthday card din para sa'yo ang Papa mo". Sabay pahid sa luhang pumatak sa sobre.
"Mama ano yan? bakit tumutunog? may kumakanta sa loob?" pagtatanong ng bata.
"Musical card ang tawag dito, anak. Padala sa'yo ng Papa para sa birthday mo" pagpapaliwanag ng ina.
"Si Papa? Uuwi na daw ba sya? Kelan sya uuwi? Sabi mo sa birthday ko di ba uuwi sya? Birthday ko na di ba? Asan ang manika ko?" paguurirat ng bata.
Niyakap ng mahigpit ng ina ang anak. "Malapit na anak. Malapit na umuwi ang Papa mo".
Matangos ang ilong ni Papa. Payat sya at matangkad.
Isang taong gulang pa lamang ako ng magsimulang mag-Saudi si Papa. Isang beses sa isang taon kung sya'y umuwi. Tanging mga sulat, voice tapes, hallmark cards, mga larawang nakalakip sa sulat ang nagsisilbing daan upang malaman ang kalagayan ng bawat isa. Halos isang buwan bago pa ito matanggap. Ang minsanang pagtawag sa telepono ay isang malaking pakikisuyo sa kapitbahay, hindi naman kase kaya ng Tatlong beinte singko lang ni Dingdong ang tumawag sa ibang bansa. Kaya ganun na lamang ang pananabik sa paghihintay sa pagdating ng isang sulat.
Malapit na syang umuwi. May mga kahon na kaming natanggap, may lamang mga sapatos, manika, maraming-maraming tsokolate, make-up, pabango,damit, kaldero at kung anu-ano pang mga bilin ng buong angkan. Nagsisimula na ring magsidatingan ang mga kamag-anak sa aming bahay. Sabay-sabay na maghihintay sa pagdating sa isang taong halos hindi ko na makilala.
"Bukas anak, darating na si Papa mo. Susunduin natin sya sa airport", wika ng ina.
"Yehey! darating na ang Papa ko bukas! Bababa na sya sa eroplano!", patakbong isinisigaw sa buong kabahayan.
Mahigit sampung taong nagpabalik-balik sa Saudi si Papa.
At sa bawat pagkakataon na kapiling namin sya, lalong hindi ko na sya nakikilala. At sya, hindi na rin nya ako kilala. Sa aking paglaki, higit ang paglayo ng loob ko sa kanya, mas kinatatakutan at iniiwasan.
Minsan narinig ko ang pag-uusap nila ni Mama. Ayaw na daw nyang bumalik sa Saudi, dahil masakit sa loob nya na lumalaki akong kilala lamang sya sa pagbibigay ng mga pasalubong at wala ng iba pa.
Mga sulat, voice tapes, hallmark cards at mga larawang nakalakip sa sulat. Minsanang tawag sa telepono. Mahirap. Mabagal. Matagal. Hindi sapat.
Higit tatlumpung taon ang lumipas.
21st century.
Makabagong teknolohiya.
Sari-saring aparato para sa komunikasyon.
Madali. Mabilis. Labis pa.
"Anak, huwag mong pababayaan ang sarili mo doon. Mag-iingat ka lagi at magdadasal", bilin ng ina
"Lagi kang tatawag anak o mag-skype tayo, para makikita ka namin", bulong ng ama sa mahigpit nitong yakap sa anak.
June 2012, NAIA paghatid sa akin ni Papa |
Isang txt msg lang, FB, iMessage, Skype, YM, blogging at marami pang iba.
Higit na kasiyahan ang dulot sa bawat oras na inilalaan para marinig, makita ang kapamilya't kaibigan na nasa ibang panig ng mundo.
Ito ang mundo ko ngayon. Buong pagyakap sa makabagong paraan ng komunikasyon.
Salamat. At hindi na kailangang maghintay pa ng matagal upang malaman ang kalagayan ng isa't-isa.
Salamat. At ang inip at pagkahomesick ay di na alintana.
Salamat. At parang nasa tabi ko lang kayo palagi.
"Papa mo yan, Anak".
At lalong nagkubli ang bata sa likuran ng ina. Tumigil sa paglakad ang ama, hinihintay ang paglapit ng anak.
"Ayoko Mama, ayokong lumapit". sigaw ng bata.
Naupo sa tabi ng anak ang ina, inamo-amo ito.
Unti-unting humakbang papalapit ang bata. Ang bawat hakbang na ito ay isang malakas na dagundong sa dibdib ng ama.
"Si Papa ko nga, matangos ang ilong! Papaaaaa!" at yumakap ng mahigpit sa ama.
"Papa bakit mas mahaba ang buhok mo kesa kay Mama?".
1985, NAIA paghatid ko kay Papa |
mahirap talagang mawalay sa mga mahal sa buhay. mas mahirap para sa ating mga pilipino na labis ang pagpapahalaga sa pamilya.
ReplyDeletemayroon akong isang katrabaho noon, sabi nya, bakit daw tayong mga pilipino, masyadong marami kung bumili ng pasalubong. mas malaki pa ang kahon na may sabon, shampoo, pabango, tsokolate, laruan at mga sapatos kaysa sa maleta. napangiti lang ako. siguro ganon talaga tayo. Mas masaya pag masaya ang pamilya.
minsan iniisip ko rin kung, hindi pa talaga kayang punan ng sweldo sa sarili kong bayan ang aming pangangailangan? ano ba ang mas mahalaga? ang pera at ang mga maipamamana, o ang oras na lumilipas na hindi natin sila nakakasama? salamat nalang din at nauso ang internet. kahit wala ka para yakapin sila, pwede ka namang magbigay ng cyber hugs kahit ang layo ninyo ay milya milya.
maraming salamat sa paglahok sa PEBA 2012 ate. good luck! :)
-Rose (PEBA Secretariat)
Salamat sa pagkakataong maibahagi ang munting kathang ito sa mas nakararami. Isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga nominado.
DeleteMabuhay PEBA!
Goodluck ate au very well said
Deletenice blog auie! nakakaantig...goodluck!!!
DeleteGood Luck Au!
ReplyDeleteMaraming salamat! Goodluck sa 'tin James!
Deletewow! d me u nakilala s pix nung 1985 ah. hehehe... gd luck s inyo ni lover boy!
ReplyDeleteSalamat Lady Drags! Di ko ba kamukha? hehe! Salamat sa suporta.
Deletendi eh. mas cute ung 1985!!! wahahaha.... ok lng un fabulous u nmn nw. wehehehe...
DeleteGoodluck ate au very well said
ReplyDeletenararamdaman ko ang bawat salita.. ganyan rin kami noon... pero ngayon tayo naman.. nasa likod mo ako at ang peer...keep it up AU..
ReplyDeletegoodluck ate...ingats ka lagi
ReplyDeleteGoodluck! ^.~
ReplyDeletebuhay OFW, buhay pinoy! naranasan at nararanasan ko parin ngayin yan ate Au gaya mo! Good luck Ate! ingat lagi ;)
ReplyDeletegoodluck Au, galing pang-international na ang talent... God Bless U more nice friend, coz U deserve more... mwahhhh!!!
ReplyDeletesayds
Good luck Au!
ReplyDeleteZashi
Go confidently in the direction of your dreams.
ReplyDeleteLive the life you have imagined.
-Henry David Thoreau
Go Au! goodluck my friend!!!
Lei Abrams
ilan ba ang mananalo? hati na lang kayo ni james sa prize..tapos balato ako ha..hehe..=) God bless u..=)
ReplyDeleteEverything works for the good of those who love Him - Romans 8:28
ReplyDeleteGod bless, Ate Au.
It struck a chord...very well said.
ReplyDeleteThanks for sharing your experience. :)
Maraming maraming salamat po sa inyong pagdamay, suporta at panalangin.
ReplyDeleteGod Bless us all!
Gudluck bloody Mary!!! Very nicely done.
ReplyDelete; )
rejh
Saludo ako sa yo good luck!
ReplyDeleteSalamat sa pagbibigay ng oras sa pagbasa nito. =)
DeleteNakaka touch ang mga photos... Goodluck sa atin ^__^
ReplyDeleteMaraming salamat. Goodluck po sa atin =)
Deletegood luck sa atin mornyt!
ReplyDeletemichael shades of blue, goodluck sa atin. =)
Deletegood luck po! ;)
ReplyDeleteUu nga Au. Dumadami lalo mga friends mo... Good luck sa atin lahat!
ReplyDeleteA very inspirational story! Good luck and God Bless! ;)
ReplyDelete-Nivram (PFG)
na-touch ako Au... parang kwento namin ng anak ko... buti na lng every 6 months ay nakakauwi ako... hayyyy.. miss ko na ang mag-ina ko...
ReplyDeleteMapalad ka at 21st century na, mas madali di hamak ang communication ngayon. Salamat sa suporta! =)
Deletegoodluck ate au ^_^
ReplyDeletegoodluck sa'yo mare...God bless...
ReplyDeleteGood luck Ate Au...God bless and guide you always..mmmwaahh
ReplyDeleteAyan ate Auie binoto kuna huh. Wag kana magalala pag yaman ku hindi kana mag wowork. Pag aaralin na lang kita sa Saint Marie. Does that work for you? Check it!
ReplyDelete