Friday, December 30, 2011

Balik-manggagawa

Nasa POEA ako kaninang umaga.

Dahil isa akong OFW, hindi ako makakalabas muli ng bansa kung wala akong OEC.
Mabuti naman at hindi ako inabot ng paglubog ng araw doon. Wala pang 30 minutos tapos na ako.

Sa bus pauwe. Hawak ko ang resibo. Binasa ang lahat ng nakasulat doon, ngunit wala namang nagrehistro sa utak ko.

Naka-isang taon na pala ako sa ibang bansa. Nakaraos ang isang taon ng matinding pag-aadjust sa lahat. Salamat sa Diyos.

Dalawang linggo na lang ang ilalagi ko dito sa Pinas. Tapos isang taon na namang pakikipagbuno sa pagpagod sa sarili.

At mag-isa pa rin.

At mananatiling malayo. Malayong-malayo.