alas-dos ng madaling araw galing ng Bataan lumuwas na ko pauwi sa min para bumoto. alas-sinko na sa amin na ko, naabutan ko ng gising si mama dahil volunteer sya sa eleksyon.
sino ba ang hindi excited na bumoto kanina sa bagong sistema - 100% turn-around from manual counting to automation nationwide?
alas-diyes ng umaga na ko bumoto. ang haba ng pila, mainit, siksikan, buti na lang kasama ko si papa ko, di ko na kelangan pumila dahil senior citizen sya at damay ako sa pagpapauna sa kanila. hehehe!
nakakakaba markahan ng itim ang mga maliliit na oval shapes, pero pinaka-nakakakaba ang pagpasok ng balota sa PCOS machine, baka iluwa at hindi na tanggapin. hanggang lumabas ang Congratulations your vote has been registered
maswerte ang lugar namin at walang ganung aberya na nangyari at isang mapayapang eleksyon ang naganap.
kung di ka bumoto wala kang karapatan magreklamo!
time-out na muna ang mga entries na emoticons... we're making a new history here!
let's hope and pray for a better Philippines!
No comments:
Post a Comment