Friday, October 23, 2009

Case No.13: Loving Someone You Can't Have

A. Someone only in your dreams

Simple lang, yung taong stranger ka sa kanya, whether you're just a fan or low profile ka at superstar ang inaabot mo... na pang-pelikula lang ang drama. Tama na ang kahibangan at dun tayo sa katotohanan...pero malay mo nga naman di ba, bilog ang mundo...
Kwento ko: Meron akong super highschool crush, ahead ng 1year sa kin. Sa umpisa, di nya ko kilala, tamang simoy at silay lang (yeah, highschool term talaga:simoy at silay!) everytime na uuwi siya at papasok ako. Until nakilala nya ko over a stage play project... Sinayaw nya ko ng JS Prom, ginawa nya project ko sa Filipino at Values Education, (sayang lang at wala pang cellphone nun), at naging schoolmate ulet nung college (I swear, di ko alam dun sya nag-aaral, defensive!). Sinayaw nya ulet ako nung Cadet's Ball kahit may iba akong ka-date nun and little chit chats around campus... But at the end of all my hopes and wishes and defense against my dear friend, Mona's pang-ookray... may asawa na sya ngayon with 2kids, obviously not with me... Hehehe! the one who will always be my super highschool crush...

B. Someone- one way only
unrequited love
Sabi ko: Sad but true, may mga taong kahit gano tayo magpakita ng pagmamahal, hanggang kaibigan lang talaga, worst hanggang kapatid ang maibibigay sa tin. Ouch! Ouch! Ouch!

C. Someone already taken
Yung may boyfriend/girlfriend na. Mangatwiran bang hanggat di pa kasal ay may pag-asa pa. Kung talagang mahal ka din nya, the fact na hindi pa nga kasal, he/she should be with you, end of story.
Sabi ko: sino bang may gusto na maging second best lang sya. Ang masasabi ko lang, choose someone you can call your own... wag ng maging super kontrabida sa iba. Swerte mo if ikaw ang pinili nya pero luhang katakot-takot kapag sinubukan mo at di ka makapag demand sa kanya and in the long run, sad ending pa rin. Meron talagang mga kwentong "ikaw sana ang aking yakap-yakap" o "bakit ngayon ka lang". At sa ending ng kanta ay isang malalim na buntong hininga...Haaaayyy!

D. Someone already committed
Obviously, may asawa na.
Sabi ko: Biggest temptation of all. "Sad to belong to someone else" ba ang drama? Maki-eksena sa buhay ng pamilya na? ahmmm, kung ano man ang dahilan sa pagmamahal/an na ito, hindi na sakop ng ating panghuhusga (ang lalim naman!). Meron pumapasok sa ganitong sitwasyon, tama man para sa kanila, alam naman na marami ang masasaktan. Box office man sa drama ang ending ng storyline nito. Ang hirap!

E. Someone - because of you
Ikaw ang committed na.
Sabi ko: Boyfriend/girlfriend level, may chance pa to get out of the relationship kesa naman mag-cheat ka sa partner mo. Kahit kelan, di naging madali ang makipaghiwalay. Pero kung you'll stay yet your heart beats for someone else, pati sarili mo niloloko mo lang.
Married level, ibang usapan na ito, legal separation, annulment lang ang katapat nito. At kung may kids na, gosh! pang-MMK na ang kwento nito.

***Love is never selfish***

4 comments:

  1. when it's meant to be, it's meant to be!

    ReplyDelete
  2. Kilala ko si HS crush! :)

    ReplyDelete
  3. I know him too! starts with G!

    ReplyDelete
  4. some are meant to be just in our dreams.

    ReplyDelete



Free counters!