Friday, June 13, 2008

Tagalog nga naman...

natuwa ako dito... at napaisip...somehow... hehehe!

Bakit sa Tagalog?

Kung ang I LOVE YOU ay INIIBIG KITA,
bakit ang umiibig(I) at ang iniibig (YOU) ay mukhang tuwirang naglaho sa pagkakasalin?
Dahil ba kung umibig ang Pilipino ay nawawala ang AKO at IKAW at nagiging isa at nagsasanib sa KITA?
Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ang kasal ay PAG-IISANG-DIBDIB
at ang asawa ay KABIYAK NG PUSO.

Bakit may tawag tayo sa limang daliri ngkamay---
HINLALAKI, HINTUTURO, HINLALATO, PALASINSINGANat KALINGKINGAN-
pero sa daliri ng paa ay wala?

Kung ang bicycle ay BISIKLETA,
bakit ang motorcycle ayMOTORSIKLO at hindi MOTORSIKLETA?
O kaya'y BISIKLO?

Bakit ang SILANGAN (kung saan sumisilang ang araw) at
KANLURAN (kung saan kumakanlong ang araw) ay maliwanagang ibig sabihin,
pero ang HILAGA at TIMOG ay hindi mo alam ang pinagmulan?

Kung ang likod ng tuhod ay ALAK-ALAKAN,
bakit wala tayong tawag sa likod ng siko?

Kung ang IN ay ginagamit sa gitlapi sa prito para maging PRINITO,
sa gisa para maging GINISA, at sa paksiw para maging PINAKSIW,
bakit sa laga ang ginagamit ay ang unlaping NI para maging NILAGA.
Bakit hindi LINAGA dahil hindi naman natin sinasabing NIPRITO o NIGISA o NIPAKSIW?

Alin ba ang tama? Bakit may tawag tayo sa four seasons-
TAGLAMIG,TAGSIBOL, TAG-INIT at TAGLAGAS-
gayong ang panahon saPilipinas ay TAG-ARAW at TAG-ULAN lamang?

Kung may inang PUTA, bakit walang amang PUTO?
Lahat ba nglalaking kalapati ay matataas ang lipad?

Bakit nakagawian na nating sabihing isang SENTIMO at limang SENTIMOS?
Wala naman sa balarilang Tagalog an gpagdudugtong ng "s" sa pangngalan para ito maging maramihan.
Hindi naman natin sinasabing limang PISOS, 'di ba?

Kung ang left-handed ay KALIWETE, ano ang right-handed?

Kung tradisyunal na nating itinuturing na ang ama ang haligi ng tahanan,
bakit ang asawang babae ay ang MAYBAHAY at ang asawang lalaking ay ang TAO lamang?

Bakit nakasanayan na nating sabihin NAKAKAINIS, NAKAKATAKOT o NAKAKAALIW?
'Di ba ang dapat na inuulitay ang unang pantig ng salitang-ugat?
Kaya dapat ay NAKAIINIS, NAKATATAKOT at NAKAAALIW.

Kung sinasabi nating AMOY ARAW, LASANG IPIS o MUKHANG ANGHEL,
mayroon na ba talagang nakalanghap ng araw, nakatikim ng ipis or nakakita ng anghel?

Mayroon naman tayong LOLO at LOLA, AMA at INA, at TIYO at TIYA,
bakit wala tayong isang-salitang katumbas ng SON at DAUGHTER, NEPHEW at NIECE, at GRANDSON at GRANDDAUGHTER?
Itinuturing ba nating asexual ang ANAK, PAMANGKIN at APO?

Bakit sa Tagalog maraming katumbas angLOVE---
PAG-IBIG, PAGMAMAHAL, PAGSINTA, PAG-IROG,PAGLIYAG, PAGGILIW?
Dahil ba ang Pilipino ay likas napalasintahin?

No comments:

Post a Comment



Free counters!