Monday, March 24, 2008

When your parents...

I made a list of the things I miss doing with my parents...
1. Movie dates-family. (last: X-Men 3!).
2. Movie date with my mother alone. (latest: Sakal, Sakali, Saklolo).
3. Movie dates with my father alone. (last: Elektra! Gosh! so 3 years ago!) (I miss most, holding on to his arms while we walk around).
4. Dining out (latest: my birthday last month!)
5. Attending holy mass together. (last: new year's)
6. Breakfast. (I should put more effort on waking up at 7 in the morning to join them in breakfast).
7. Sleeping in between them... (Still a kiddo!)
8. Coffee talk. (where surprising questions pops up!)
latest coffee talk with my parents: just a week ago...
M: Kamusta na si Bernie boy?
A: Ayun, back to work na.
M: Nagkakausap naman kayo?
A: Syempre naman, Ma. Tawag, text, email. Madami namang paraan ngayon.
M: Madalas ba tumawag? ano naman pinag-uusapan nyo?
A: Si Mama, imbestigador, amin na lang yun noh!
M: Eh magpapakasal na ba kayo?
A: Shocks!!! Nag-iipon na sya... hahaha!
P: (Sumabat!) Eh ano naman ang tawagan ninyo?
A: Ano yun Pa?
P: Sabi ko, ano tawagan ninyo?
A: Ok, yang tanong mo ah...Hahaha!
P: Ano nga?
A: Seryoso ka Pa sa tanong mo?
P: muka ba kong nagbibiro?
A: (Pabulong) Loveko!
P: Ano?
A: Sabi ko, Loveko!
P: Hahaha! ang corny nyo...

A: Tawa ka dyan Pa, Eh si Mama nga tawag sa'yo Leng, ikaw, Ma lang.
P: Eh syempre, short for Norma yun at saka Mama.
A: Wala man lang uniqueness.
M: Oo nga. Pero sweet na sa kin yun.
A: Hahaha!
P: Ano ng plano nyo?
A: Ha?
P: Dapat may plano na kayo nyan, matanda na kayo?
A: Eh sana tinanong mo sya nung pumunta dito.
P: Eh sabi mo sa kin wag ko tanungin.
A: Nyee! sabi ko wag mo takutin.. hindi tanungin... hahahaha!
M: Alam mo nga, yang si Papa mo ako ang kinukulit tungkol sa inyo ni Bernie. Kunwari lang yan pero iiyak yan pag kinasal ka na.
P: Anong iiyak ka dyan? Baka ikaw?
M: Maiiyak talaga ako, syempre.
P: Au, ano na nga plano nyo?
A: Mukang hindi ka na tutol ngayon ah... Dahil ba sa matanda na ko?
P: Hindi naman sa ganon.
A: Sabi nya in two years...
P: Eh di trenta ka na nun...
A: Hahaha... oo nga. Eh ikaw lang eh, nung una kong nagdala ng boyfriend dito, 23 pa lang ako nun.
P: ganun talaga!
M: Naku yang Papa mo, takot naman yan eh. Takot na mahiwalay ka sa min.
A: Pa, isipin mo na lang nasa Bataan lang ako.
M: Saan ba kayo titira?
A: What?! Ma, isa ka pa rin eh, hehehe! Matagal pa yun.
M: Pero syempre dito ang kasal.
A: Syempre naman......