Saturday, November 17, 2007

My Train Moments: Part 2


Ang Philippine National Railways

Nakasakay ka na ba sa tren na ito?
Ito yung pinakaunang tren sa Pinas... (sa pagkakaalam ko, obvious naman sa hitsura ng tren...)
Bumibiyahe mula Calamba, Laguna hanggang Legaspi, Albay.

Nasa kolehiyo na ako ng unang makasakay sa tren na ito. Palibhasa ang eskwelahan ko noon ay malapit sa istasyon ng tren. Mula sa Alabang sasakay ako hanggang FTI station. Pero bihira ko lang gawin ito kasi tamad akong maglakad papunta sa istasyon, yung sa Alabang ay medyo malayo mula sa national road, at yung sa FTI naman ay may kalayuan din papuntang eskwelahan. At natatakot kasi ako sa mga bali-balitang may nagtatapon daw ng ihi o maduming tubig sa tren habang dumaraan ito (mula sa mga home along da riles). Pero ang higit kong kinatakutan, ng makita kong hanggang bubong ay may nakasakay... naisip kong pano kung nasa loob ako at hindi makababa sa bababaan kong istasyon eh di sa susunod na istasyon ako bababa (natural!), oh eh di sasakay pa ulit ako pabalik....haaaayyy! malaking abala!

Pero sa totoo lang masaya sumakay sa tren na ito... bukod sa higit na mas mura ang pamasahe (noon sa jeep ang pamasahe ko P4.50 Alabang-FTI Tenement, dito P2.75 lang, paminsan pa libre... hehehe!) ay adventure talaga, bukod sa feeling mong inuugoy ka ng taong galit sa 'yo eh parang mahihiwalay pa sa pagkakadugtong ang tren. Tapos lalakad kang parang lasing na sumusuray-suray sa gitna para tumawid sa kabilang carriage (pasensya na di ko alam sa tagalog!) Astig!

Pero ang pinaka-adventure sa pagsakay ko sa tren na ito ay noong bagyong Rosing (?)... 1997. yung bagyong nagpa-stranded sa mga sasakyan sa south expressway ng buong magdamag. binaha ang Bicutan ng hanggang baywang. Naalala mo ba yon? Hapon na ng kinansel ang klase at pinauwi ang mga empleyado. Kami namang magkakaibigan, napagod at nangawit na sa kahihintay ng jeep pauwi...
Mon: "Aura, mag-tren na lang tayo, hopeless mag-abang ng jeep..."
Aura: "Tren? hmmmmm di ba tatamaan ng kidlat yun?!"
Mon: "Sira! di yun tatamaan kasi hindi naman yun pula!"
Aura: "Ahhh! ok! sige, lakad na tayo..."
Mon: "Uy Au, ayun si ____ mukhang sasakay din ng tren..."
Aura: "Ano ka ba Mon, di ba sabi ko sa 'yo mag-tren na tayo?!"
Mon: "Oo nga! Bruha!"
Aura: "Bilisan mo, baka maunahan tayo sumakay.... hehehe!"

Makalipas ang dalawampung taon... dumating din ang tren... at hayop!!! sa sakay na pasahero, ga-tumpok ang tao sa bubong.

Mon: "Au, bilis, suot... dun.... dun... sige sumiksik ka dyan...kasya ka dyan... hawak naman kita!"
Aura: "Mon, wala kong makita eh..."
Mon: "Ah basta, isiksik mo sarili mo dyan... gusto mong makauwi di ba?!"
Aura: "Mon, hwag mo kong bibitawan ha... kili-kili yata tong nasa tapat ko...!"
Mon: "Wag ka ng maingay dyan...!"
Aura: "Mon, makakalabas pa ba tayo ng buhay dito?"

Mon: "Oo naman... by chance... hehehe!"
Aura: "Aray! paa ko yun! ano ba?!"
boses ng isang lalaki: "Hoy! kayong lahat walang bastusan ah, bawal ang umutot dito...!"

Nakuha pang magtawanan ng mga pasaherong animoy mackerel...



........ooooooopppppssss! nakauwi kami ng maluwalhati ni Mon, by chance... Amen!

3 comments:

  1. Carriage = Karwahi
    Ano ba! parang di ka sana FILIPINA hehehe :P

    ReplyDelete
  2. karwahe ba kamo?, di ba yun yung hinihila ng kabayo? (bigger, beautiful, and more sosyal version ng kalesa) hehehe!

    ReplyDelete
  3. Bisaya!!! nahalata tuloy ako hahahah!! Kabayo ka dyan... KALABAW para pinoy na pinoy ang dating:P

    ReplyDelete



Free counters!