Wednesday, August 22, 2007

Big Foot!

Hindi yan paa ni Kingkong... at lalong hindi kay Godzilla...
Paa ko yan... at may bukong-bukong (ankle) dyan (hanapin mo!)
Parang isang eksena sa pelikula na kung saan ang bida ay bumababa sa isang sasakyan, kuntodo porma, ganda... napahinto at napatingin ang lahat ng biglang... 'Ay!'
parang isang koro, sabay-sabay ang lahat ng nandoong nakamasid sa kanya. Ang bida nadapa, nahulog o natapilok...
Ako ang bida sa eksena... hindi ako nadapa at lalong hindi ako nahulog... isang pagkatapilok.
Mula sa isang pampasaherong jeep, pumara at ng pababa na... isang baitang na lang... Ayun sigawan ang lahat ng nakatingin... 'Ay Miss!' at ang nasabi ko lang, 'Shocks!' (poise pa rin).
Sa tabi ng kalsada, napaupo at pikit-matang tumayo... buong katawan pinagpawisan ng malamig...tinitigan ang paa, pinilit humakbang papunta sa sidewalk...
Dalawang mama ang lumapit, nakauniporme ng Barangay Tanod; 'Miss, na-sprain ba yung paa mo? Itatawag ka namin ng trycycle'
'Opo! Salamat po!'....
Pasalamat at walang bali sa buto ayon sa resulta ng x-ray... maga, sugat at pasa lang...
ngunit matindi ang sakit... hindi mailakad ng maayos ang paa...



Tatlong araw na hindi makalakad ng maayos...
Apat na araw na naka-bandage ang paa...
Limang araw na nag-sick leave sa trabaho...
At
Hanggang ngayon mataba pa rin ang paa ko... pero madali ng makita yung bukong-bukong...
Salamat sa mga taong tumulong at hindi nakalimot na mangamusta at salamat sa araw-araw na pag-check sa kin ni Kuya...


3 comments:

  1. that hurts alot!
    hope you'll be fine soon!!!

    ReplyDelete
  2. Ingat ka lagi.... wish for it to be well soon!

    ReplyDelete
  3. I wish I was there to take care of you...
    Take care always...

    ReplyDelete



Free counters!