Sunday, April 06, 2014

Sine Time

Mahilig ako manood ng sine
Pastime ko yan. Ngayong nakaraang apat na linggo, naka-limang panood ako ng sine: Starting Over Again (ipinalabas dito ang pelikula nila Piolo at Toni), ang 300, Noah, at ang double moviedate ko with Emmet at Steve.

Bihira naman ako magbigay ng movie reviews. Pero ngayon nais kong ibigay ang opinyon ko sa pelikulang Lego, The Movie at Captain America, The Winter Soldier.

Lego, The Movie.
Isang pambatang pelikula. Ang kwento ni Emmet na isang ordinaryo mamamayan na napagkamalang Master Builder na siyang magiging tagapaligtas ng sanlibutan.
Pinanood ko ito ng hindi alam ang buod ng kwento. Wala akong ideya kung ano ang patutunguhan ng pelikulang ito. At ang bawat eksena ay isang pananabik sa isang feeling bata (ako yun). Oo sa loob ng sinehan, kasabay ko ang mga toddlers kasama ng kanilang mga magulang. Mabibilang lang ang mga teenagers at mga young adults na tulad ko na nanonood. Masaya ang pelikulang ito at isang sorpresa para sa akin na ang aral ay para sa mga matatanda. Ang imahinasyon ng gumawa ng pelikulang ito ay mula sa kanyang karanasan ng pagkabata na sigurado akong lahat tayo ay narating ang dimensiyong ito na likha ng ating malikot, makulay, malikhaing pag-iisip nung tayo'y mga bata pa. At kainosentihan ng ating imahinasyon sa paglalaro at pagbibigay buhay dito. Na unti-unting nawawala sa atin habang tayo'y lumalaki at tumatanda dala ng pag-iisip sa maraming bagay sa ating paligid. Maganda ang pelikulang ito na  panoorin ng buong pamilya at matuto ang mga magulang na hayaan nila ang imahinasyon ng kanilang mga anak na lumawak, ang pagkamalikhain, ang paggawa ng sariling kwento, ang pagkapayak ng mga likha ay mahusay na mahulma habang bata pa.

Captain America, The Winter Soldier. 
Isang American superhero film mula sa Marvel Comics. Sequel ito ng pelikulang Captain America: The First Avenger. 
Hindi ko na ibibigay ang buod ng kwento dahil para sa akin, isang napakalaking sorpresa dapat sa manonood ng pelikula. Dahil ang masasabi ko lang, hindi dapat ito palampasin kahit pa hindi ka mahilig manood ng mga superhero o sci-fi o computer generated movies. Hands up ako sa pelikulang ito, sa daming superhero movies na napanood ko, highly recommended ko ito. The best so far. Hindi lang dahil gwapo si Chris Evans (ang gumanap na Captain America), dahil sa kabuuuan ng pelikula. See it for yourself at siguradong sigurado ako, aayon ka sa akin.

Enjoy moviedates!


No comments:

Post a Comment



Free counters!