Kanin ang bida sa bawat hapag kainan ng mga Pinoy.
Lumalabas ang tunay na sarap ng kahit ano pa mang ulam kapag may pares itong kanin. Hindi nga kumpleto ang ating hapag kung walang kanin.
Dito sa Australia hindi popular ang kanin sa hapag. Ang isang sandwich, pasta, hamburger o pizza ay nakakapagtawid na sa kanila sa tanghalian o hapunan. Ang kapares ng kanilang steak, fish o chicken ay steamed veggies (maaaring pumpkin, corn, cauliflower, broccoli, beans) o kaya ay chips (french fries), mashed o baked potato o kaya ay salad (sa nakapakaraming klase nito).
Fish and chips ang karaniwang tawag sa isang putahe ng piniritong isda o hipon o squid na may kasamang chips.
Bagamat ang chips ay source na rin ng carbohydrates, para sa tyan ng mga Pinoy, hinahanap pa rin ang kanin.
Sa mga groceries o supermarket dito, hindi makakakita ng sako-sakong bigas na itinitinda. Hanggang 20kilos lang ang pinakamalaking mabibili mo. At hindi tulad sa Pinas na maramng varieties ng bigas mula sa Dinorado, Sinandomeng, Jasmine o NFA pa yan. Dito Jasmine at Long grain lang ang pagpipilian. Ngunit mayroong brown at basmati rice.
Dahil ang mga puti ay hindi mahilig sa kanin. Ang tyan ng Pinoy ay natututong mag-adopt dito. Maaaring bawas na ang pagkain ng kanin sa loob ng isang araw. Ngunit sa bawat pagtitipon ng mga Pinoy una pa ring sinsandok sa kanilang plato ang kanin.
Aussie-Pinoy na salo salo.
Menu: Pagkaing Pinoy, pizza, pasta, salad, bread.
(Kung may mga bisitang puti, mahalagang may pagkain na pamilyar sila, alamin din kung may mga allergy sila o di kaya naman ay dapat gluten-free ang kanilang kinakain).
(Ang kanin hindi na inaalis sa rice cooker. hehehe!).
No comments:
Post a Comment