Umpisa na ng pagkakasakit ng flu. O lagnat at sipon. Sa aming trabaho may libreng flu shot. Hindi ito compulsary. Pero ako, taun-taon nagpapa-flu shot. Libre na nga eh.
Walang ditong barangay health centers, pero sa bawat suburb ay may mga health care centers. Hindi libre ang flu shot sa mga ito, ngunit hindi naman ito kamahalan. Mayroon din available sa mga pharmacy at pwede rin doon na magpa flu shot.
May libreng lollies pa pagkatapos ng flu shot. Parang mga bata lang.
Matapos ang flu shot ko, deretso naman sa dentista. First time kong nagpa-dentista dito. Kailangan pa magpa-book ng appointment. Cleaning lang ang ipina-book ko. Pero matapos i-check at linisin ang mga ngipin ko, ipina-x-ray na rin ito. Iba pa ang naglinis ng mga ngipin ko (hygienist ang tawag nila dito) sa mismong dentista na inisa-isa ang status ng mga ngipin ko.
Mabusisi sila at metikuloso. Hayan at may libre pa kong hygiene pack.
Mahal ang magpa-dentista dito. Ngunit kung mayroon kang sariling health fund, ay higit na makakamura. Kaya dapat sulitin ang ibinabayad sa mga health fund na ito.
No comments:
Post a Comment