Thursday, January 30, 2014

AU Theme Parks: Sea World

Maraming theme parks dito sa Queensland Australia.

Kabilang sa tatlong theme parks na may VIP Pass. Ang myfun.com.au ay nagbibigay ng promo para sa tatlong theme parks : Movie World, Sea World at Wet n' Wild (i-click ang mga link para makita ang mga atraksyon na kani-kanilang ipinagmamalaki. Sa halagang 79AUD ay unlimited entry ka na sa tatlong theme park na ito para sa isang buong taon. Kung hindi ka naman mahilig sa mga pasyalang ganito ay meron din namang silang mga day pass lang, na iba-iba ang presyo ng tatalong theme park.

Sa kabilang banda, ang Dream World at White Water World ay may tinatawag na World Pass, 69AUD naman para sa unlimited entry sa dalawang theme park na ito.
(Ilagay ang palitan ng Peso sa 40PHP = 1AUD).

Ang promosyon para sa mga turista ay makikita dito: Gold Coast Theme Park Capital of Australia.

Pinuntahan namin nila Efren at Weng ang Sea World.










Mula sa mga penguin, pating, iba't ibang uri ng mga isda at lamang dagat, polar bear. Mayroon ding mga giant slides at swimming pool. Mayroong monotrain na umiikot sa palibot ng theme park, upang makita ang kabuuan nito sa mataas na elebasyon.. Marami ring shows: Dora, Spongebob, Jetski, Sea Lion, Dolphin shows. Maaari ring makipag-close encounter sa mga dolphin (may dagdag na bayad).

Kumpletos rekados ang theme park na ito. Kung hindi mo nais na mabasa o mag-swimming, libutin na lang ang theme park at panoorin ang mga shows, sulit na ang bayad.

At kung nais na manatili ng ilang araw sa Gold Coast, ang theme park na ito ay may sariling resort hotel. 

Thumbs up!