Isang munting selebrasyon ng kultura ng Pinoy tuwing Pasko.
Salamat sa imbitasyon ni Weng para manood ako ng kanilang munting pagtatanghal ng kanilang organisasyon tungkol sa pagdiriwang ng Pasko, Pinoy style.
Tunay na nakaka-miss ang Pasko sa Pinas. Ngunit ang mga ganitong pagtitipon ay nakakapawi ng lungkot ng malayo sa pamilya.
Ang pagtatanghal ay sa produksiyon ng Hope Centre. Ang mga nagsipagtanghal ay mga pamilyang Pinoy na dito na naninirahan, may mga half-Pinoy/half-Aussie.
Ang galing!
No comments:
Post a Comment