Hindi ko na nga namalayan na ganon na pala katagal akong malayo sa bansang sinilangan. Sa bagay, nakatatlong beses na rin naman kase akong nakauwi, kaya parang hindi ramdam ang tagal ng panahon.
Masaya na malungkot. Mahirap pero kaya naman, kinakaya naman. Nakakaiyak pero mayroon pa ring mga halakhak.
Sa loob ng tatlong taon, nakakasanayan ko na ang buhay dito. Oo naman, hinahanap ko pa rin ang Langhap-Sarap ng Jollibee Chicken Joy at Pancit Palabok. Pero sabi nga, matutong maging masaya sa kung anong mayroon.
Mas simple ang buhay dito, mas tahimik para sa akin. Kung susumahin, mas gusto ko ang buhay ko dito kahit pa umiiyak sa pagka-homesick o nag-iisa minsan sa paggagala.
Nakikita ko ang sarili ko na dito na ako maninirahan. At bubuo ng sarili kong pamilya.
Isang matamis na alaala
Galak sa puso ko tuwina
Mukha mo sa aking gunita
Ngiting pumukaw sa sinta.
Salamat sa mainit na halik,
Salamat sa yakap na mahigpit,
Salamat sa pag-ibig na
Mananaliting panaginip
Tatlong taon,
Ang luha ng kahapon
ay tinipon at ibinaon
sa baul ng panahon.
Tinanong mo ako kung bakit ako naririto, ngayon aaminin ko, naririto ako dahil sa'yo...
No comments:
Post a Comment