Saturday, November 16, 2013

Christmas Cards

Kung hindi naman off sa inyong budget.
Nais ko sanang makatanggap ng Christmas card ngayong Pasko.

Sa mga manggagawang tulad ko na malayo sa pamilya, kahit ano pang holiday ang dumaan, keri lang lahat, pero pag Pasko na, hala! kanya-kanyang gimik ang gagawin malibang lang at di mapansin ang lungkot away from home.

Tawag, txt, email, FB ok yan lahat, busy mga linya, mabagal ang net sigurado. Pero ako, iba ang hiling, simpleng Christmas card na may sulat kamay ng pangalan ko at pangalan mo. Mas personal ang dating, mas pinaglaanan ng panahon.

Dito sa Australia, buhay na buhay ang industriya ng greeting cards. Mahilig silang magbigayan nito sa lahat ng okasyon.

Kung sakali man, maaari ninyong ipadala sa address ng aking pinapasukang kumpanya. heto ang link: BV

Sa Search Site box, i-type ang Brendale. (branch ng aming laboratoryo). Naroon ang address, huwag kalimutan ang post code. At syempre ang pangalan ko c/o Bureau Veritas.

Inilagay ko na kung saan ako nagtatrabaho dahil marami ang nagtatanong. Curious sila pag sinasabi kong isa akong Laboratory Technician sa isang Coal Lab Testing.

Sana makatanggap ako ng Christmas card mula sa inyo. (^o^,)

No comments:

Post a Comment



Free counters!