Wednesday, October 02, 2013

Mang-uumit

Mang-uumit



Dumating tila mang-uumit

Ng pagkakataong mailap sa himbing

Bulaga sa damdaming imbi

Isang pagtatanong sa sarili.



Alinlanga’y di maikukubli

Isang  kahibangan ang pakiwari

Sa harapa’y nagmagaling,

Umindayog sa ihip ng hangin.



Sa loobi’y isang hiling

Isang matapat na pag-ibig.

Mga pangako’y tupdin

Sa Paralumang naninimdim.



Pangarap na tahana’y bubuuin,

Pangarap ng dalawa’y pag-iisahin.

Sa pagmamahala’y bubusugin,

Bawat salita’y may paglalambing.



Mga panahong gugugulin

Sa pagsikhay nitong mithiin.

Sa hinaharap sinalamin

Ang mga bagong landasin.



Lugod ang hatid sa damdamin

Ang bawat bitaw ng mga pangako

Kurot ng kislap at ningning

Isa ba itong panaginip?



Umaga’y humalik

Ulap ay ngumiti

Pangamba’y napawi

Nagtiwalang higpit.



Panaho’y nagdaan

Kinang ng mga tala’y naglamlam

Sakdal-pilit yakapin

Anino ng kahapong lupit.



Dumating tila isang mag-uumit,

Ng pagkakataong mailap sa himbing

Isang  mang-uumit sa sulok ng dilim

Nang tahanang dapat sana ay atin.



Ito ang aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 5.





2 comments:

  1. Goodluck on this. :)
    A nice interpretation of tahanan thru poetry, medyo malungkot nga lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po! Emo-emo lang sa tabi-tabi. =)

      Delete



Free counters!