Monday, September 16, 2013

Serye: Buhay-Single: Ka-Date

Ka-date ba kamo?
Mahilig ako manood ng sine.
At oo, kahit mag-isa ako nanonood ako ng sine. pero syempre hindi lahat ng klase ng pelikula pinanonood kong mag-isa tulad ng horror at  rated MA+ (sex and violence), awkward manood mag-isa nyan. Keri ang mga chick flicks, feel good movies at animated films.

Hindi daw ba ako natatakot manood ng sine mag-isa, baka may mangbastos sa akin. Una, hindi ako nanonood ng sine mag-isa sa mga chakang sinehan. Ano ba! Panglawa, hindi rin last full show ang screening time ko. At pangatlo, pinipili ko ang pelikula na papanoorin kong mag-isa.

At dahil single ako, marami akong ME-time. Araw para i-date ko ang sarili ko.

Hindi rin awkward sa akin ang kumain mag-isa sa mga restaurants, natural hindi naman ako pupunta sa mga restaurant na maraming couples.

Hindi mahirap para sa akin ang maggala mag-isa. Siguro dahil lumaki ako mag-isa. (Unica hija kase ako), madalas mag-isa naglalaro, madalas maiwan mag-isa. Kaya sa mga simple at maliliit na mga bagay lang masaya na ako.

Ang isang Me-time ko? Entertainment package: Nood ng sine at mag-shopping. Beauty package: Mani, Pedi, Parlor), spa. Walang-Budget package: stroll-stroll na lang. Hard-times package: sa bahay lang, nood ng tv, magbasa ng libro, tulog want-to-sawa.