Wednesday, June 05, 2013

Back to Pinas

Tapos na ang anim na araw na bakasyon sa Kingdom of Thailand.

Puno ng masasayang alaala at higit sanlibong mga larawan. Adik lang! Pinoy eh!

 Alas singko y media, check-out na para sa flight pagbalik ng Pilipinas.

Ang buong bakasyon, una na kasama ko ang aking mga magulang, at una rin para sa mag-asawang Bonifacio na lumabas ng bansa na magkasama, maraming beses na para sa amin ni Shirley. Ang lahat ay naging masayang-masaya kahit pa may mga di inaasahang pangyayari na sa palagay ko ay di naman mawawala talaga sa isang bakasyon. Ganunpaman, bonggang-bongga pa rin ang lahat!

Aba sina Papa at Mama, sa susunod naman daw ay bisitahin namin ang Great Wall of China. (Ayun eh!)