At natapos din ang pag-eempake.
Maghapon sa pagliligpit at pag-aayos ng mga mga gamit. Paikot-ikot sa bahay. Partida pa, naglalaba pa ko nyan.
Ngayon ko lang naramdaman ng husto ang excitement sa pag-uwe kong ito.
Buong linggo akong hapit sa pag-aayos ng iba pang mga papel para sa pagiging PR ko. At salamat natapos din.
Worry-free na nga ako sa mga papel na kailangan ko. At pwedeng-pwede ng magbakasyon ng walang alalahanin dito. Woohoo!
Ang bagahe kong botchog na botchog!
Inupuan ko, dinaganan, maisara lang. hahaha!
Para sa mga minamahal! Ayun yun eh!
No comments:
Post a Comment