Thursday, April 18, 2013

Tensyonado

At ngarag.

Ang gulo ng kwarto ko. Nagkalat ang mga travel magazines. Ang maliit na maleta nasa kahon pa. Ang ilang pinamiling pasalubong nasa mga plastic bag at nasa lapag. Ang plantsahin humihingi na ng saklolo at pwede na ngang isulat ang pangalan para malinis ang alikabok sa tv stand.

Ilang araw na kong halos apat na oras lang ang tulog. D mapakali. Tight ang mga muscles sa balikat ko at wala sa konsentrasyon. Tense nga.

Ilang linggo na lang kase pauwi na ko ng Pinas at ang migration agent ko ay walang update sa status ng application ko para sa PR. Ambagal ng pag-aayos nya ng papel ko. Baka ma-hold ako sa immigration at lumabas pa ko sa episode ng Border Security. (Aysus naman!)

At umaandar ang katamaran ko sa mga gawaing bahay dahil pagod ako galing trabaho. Mahirap talaga ang kulang sa tulog. Patang-pata ang pakiramdam ko. Idagdag pa na graveyard shift ako. Ang ingay pa ng aso sa umaga.

At ang dami kong gustong bilhin pang-pasalubong. Kaso wala na kong budget. Nakaka-tense. Hahaha!

Ahhh, pag-uwi ko ng Pinas, sana hindi na masyadong mainit ang panahon.

Ang kulit lang, di pa nga ko nakakauwi ngayong taon, pinaplano ko na kung kelan ulet ang uwe ko sa susunod na taon. Balak ko mag-Pasko naman ulet sa Pinas. Isa pa, kasal yun ng pinsan ko. (Tumawad na ko sa kanya, hindi na ako aabay!).

Isang ikot lang ako sa mall, o nood ng sine, para mawala ang pagka-ngarag kong ito. Kaso sigurado pag pumunta ako ng mall, shopping ito.

Ganito yata talaga ako pag.... teka, hindi pa naman kabilugan ang buwan ah?! (^o^,)



No comments:

Post a Comment



Free counters!