Saturday, December 15, 2012

After Party

Cheers, girls!

Enjoying girls time after our Christmas Party over colorful vodka drinks!

Eatons Hill Hotel with Kim and Rose


I went home at 10pm!!! (Naubos na ang baon kong English with Aussie accent eh!) Hahaha!
(at saka walang pulutan!)

Inumang Oz sa Inumang Noypi:
* Ang mga Oz, maaga kung masimula ng inuman, kaya maaga rin kung matapos.
Samantalang ang Pinoy, inuumaga sa inuman.

* Wala silang pulutan, talagang mga baso lang ng kani-kanilang alak ang nasa lamesa.
Pinoy, masikip ang lamesa para sa mga baso ng alak dahil fiesta sa pulutan.

* Walang waiter na kukuha ng order mo, kaya ikaw mismo ang pupunta sa bar para umorder ng iinumin mo at syempre bayaran mo agad.
Pinoy, pagos ang waiter sa kauutos, pengeng tissue, baso na may yelo, song request etc..

* Masaya sila sa simpleng kwentuhan habang umiinom.
Pinoy, kwentuhan, videoke, banda, anong ingay ang request mo?

* Kung meron man akong gusto sa mga ganitong okasyon, eh yung ang mga babae ay talagang nakaayos. Yun lang kaliwat kanan ang tingin mo sa nag-iiksian at hapit na hapit sa katawang mga damit nila.
Pinoy, pag nakaayos ang babae sa bar, iba na nasa isip eh.

* Kung oras ng sayawan, puno ang dancefloor, at syempre nasa tabi-tabi lang ang mga nag-p-PDA.
Syempre, iskandalo na ang mag-PDA ng bonggang bongga sa Pinas.

Para sa kin masarap pa ring uminom na may sisig, crispy pata, kinilaw na tanigue o kahit highland legumes lang (you know!)

No comments:

Post a Comment



Free counters!