Bata pa lang labas-masok na sa ospital.
Minsan sa paa pa nilagyan ng dextrose ng ang mga ugat sa dalawang kamay ay namaga na.
Ang kwento ni Mama, habang ipinapanganak nya ako, hinihika sya.
Nung isang linggo lang na-confine na sya dahil sa hika nya. Hindi na kinaya ng nebulizer nya sa bahay.
Iyon ay dahil sa matinding init at pabago-bagong panahon.
Ang Ventolin ang bestfriend ko noon. Hindi pa uso ang mga fruit flavor sa mga gamot kaya panis ang pait ng ampalaya sa lasa ng mga gamot ko. May tableta pang dinudurog noon si Mama at tinutunaw sa isang kutsarang tubig sabay painom sa akin. Madalas akong atakihin pag summer, dahil sa mainit ang panahon, kaya madalas pag bakasyon nasa bahay lang ako at ang mga pinsan ko ang nagbabaksyon sa amin. At oo, hindi ako pinapagawa sa amin ng kahit anong gawaing bahay.
Hindi ko naranasang maging Girlscout. Ang maligo at maglaro sa ulanan, ang mag-camping. At tuwing intrams sa section dance lang ako kasali.
Pero hindi nila naranasan ang tumaas ang mga balikat, ang matulog ng makukuba ang likod na nakaupo, ang lumanghap ng mapait na usok, ang matakot sa bawat malalim na paghabol ng hininga, ang ma-ventosa. At ang mainggit sa mga batang naglalaro ng Mataya-taya, Langit-lupa at P.S. I love you.
Hanggang sa ma-immune na ang katawan ko sa mga gamot na iyon at nag-level-up na ng dosage ng gamot ko. Batang Asmasolon na ko.
Ang sabi ng matatanda pagka-7years old ko daw mawawala ang hika ko. Pero nun pa ako na-confine ng higit isang linggo.
Baka sakali pag nagkaroon na daw ako ng buwanang dalaw. At saka naman nagsawa na rin ang Asmasolon sa hika ko.
Sumunod kong gamot, Nuelin.
Mataas na dosage ang nireseta ng doktor, kaya nung ininom ko nagpalpitate ako at muntik ng maisugod sa ospital. Highschool na ako.
Sa dinami-dami na ng gamot at anti-biotics na nainom ko, mapa-likido, tableta o kapsula, ano pa man ang laki nito, nagsawa rin ang hika ko sa akin. Kolehiyo. Madalang na akong atakihin.
Huwag daw akong magpapagod masyado, pero sa karanasan ko, mas gusto ng katawan ko ang aktibo ito sa mga gawain. Pero sa alikabok o usok, hindi ako hinihika. Huwag lang sa matinding init at biglaang pagbabago ng panahon, tumitiklop ang baga ko.
Naubos ko na ang baon kong gamot. At ang lahat ng pang-hikang gamot dito ay kailangan ng reseta ng doktor. Buti na lang at may kaibigan akong umuwi ng Pinas at nagpabili ako.
Hindi nakakatulong ang pag-iyak ko dahil lalo akong hindi makahinga. Pero hindi ko mapigilan ang hindi maiyak, dahil hindi ko kayang hagurin ang sarili kong likod, na kelangan kong magluto kahit noodles lang at pilitin ang sariling kumain para makainom ng gamot, at piliting makapasok sa trabaho dahil mas malungkot ang manatili sa kwarto.
Salamat pa rin sa Diyos at hindi lumalala ang mga atake ko.
Mahirap magkasakit lalo na't ng malayo sa pamilya.
Pagaling ka Au..Mahirap magkasakit ngayon! Ingat..
ReplyDeleteSalamat James, kayo din dyan. Alagaan ng mabuti si misis at baby.
Deletepagaling ka ate au pero nakakaiyak post mo. God bless.
ReplyDelete