Alam ni Papa uuwi ako para sa birthday nya, pero di nya alam kung kelan ang saktong dating ko sa Pimas. Hindi ko pinaalam sa kanya dahil gusto kahit papano masorpresa naman sya.
Tinawagan ko sina Mon at Chris para sunduin ako sa airport.
At syempre hindi naman nila ako binigo.
Bumuhos ang napakalakas na ulan sa araw na iyon,
Sabi ni Chris: "Bongga talaga bestfriend ang pagdating mo, kelangan bongga din ang ulan!"
Inabot ng trapik at baha si Chris. Limang oras sa kanyang byahe mula Sta. Rosa, Laguna hanggang airport. Ah, teka, hindi pala sya umabot sa airport, dahil tumawag sya sa kin at naghihintay na ko sa Arrival Area, babalik na lang daw sya sa Sucat at pupunta na lang sya sa bahay.
Si Mon, late rin buti naman at mga 10minuto lang.
(Bago pa man ang kabilin-bilinan ko lang sa kanila ay huwag na huwag silang male-late, dahil baka maiyak ako sa paghihintay...).
Isang mahigpit na yakap pagkakita sa kaibigan.
Mon: "Iba ka talaga, Aurora, ulan, kulog at kidlat ang dala mo!"
Ako: "Kita ko nga ang mga kidlat kanina habang nasa eroplano ako".
Mon: "Asan na si Chris?"
Ako: "Limang oras na daw sya sa byahe papunta dito, pupunta na lang daw sya sa bahay."
Mula airport hanggang sa amin, dapat ay 30-45mins lang.
Mula Alabang hanggang sa amin dapat 10mins lang.
Sa Skyway inabot na ng isang oras.
At isa pang oras makalabas lang ng Alabang.
Pinas, ever ang trapik ang salubong mo sa kin.
Sigurado wala ng natirang hapunan sa bahay, dahil di naman nila alam na darating ako. kaya hayun ang pinaka-nakakamiss na Langhap-sarap, drive thru sa Jolibbee. Junction sa Alabang. At si Chris dito na namin hinintay.
Nagtxt si Shirley, tinanong kung nasa bahay na ba ako. Pinapunta ko din at pinaghintay sa kanto namin para maisabay na sa pagdating ko sa amin. Naghintay pa sya sa min ng mga 20minuto.
Bulabog ang pagdating ko. Tulog na sila. Ang aso ng kapit-bahay ang gumising sa kanila.
Gulat na gulat, at walang nasabi. Mga ilang minuto pa bago nakapagsalita sa higpit ng kanilang yakap.
Mama: "Kumain na ba kayo? Bakit di ka nagsabing darating ka?""Ang Papa mo hindi makapag tulog, iniisip ang pagdating mo sa birthday nya."
Papa: "Salamat nandito ka na, Anak!"
Ang tatlo kong kaibigan, parang nanonood ng MMK!
Tama na nga ang kwento, naiiyak na ko dito. Homesick!
Langhap-Sarap! Akin lang ang Palabok! |
1030pm sa aming tahanan |
No comments:
Post a Comment