Thursday, November 17, 2011

She's So High

"Iba ka kase, Au eh!"
"Alam ko intimidating dating ko at oo suplada ko. Nakakatakot lapitan."
"Hindi yun eh"
"Ano? meron pa? mas karumal-dumal ba yan? Mukha ba kong kumakain ng buhay na manok?!"
"Hindi naman. Iba ka lang talaga!"

I never failed to have the first impression of an intimidating, confident, stern and even fierce person. Admittedly I am! My independence taught me to be! And I don't take it as a negative impression. It's just that to a lot that first impression lasts which inhibits the beginning of friendship. (Sigh!) Yeah! I can't do anything about it, it is their judgement, it is their labeling.

But before you make up your mind, that I am indeed intimidating in a negative way, let me reiterate that I am a Piscean!
......................................................................................................

"Ano ngang ibig mong sabihin?!"
"Hindi kase sa'yo pwedeng basta-basta lang. Dapat yung lalake may sinabi. Dapat kayang ibigay yung mga bagay na gusto mo. Achiever ka kase! And strong ng personality mo kaya dapat kung sino man sya, kaya nyang patunayan ang sarili nya sa'yo!"
"Ganun ba ang tingin nyo sa kin?. Parang hindi maabot? sa liit kong 'to? (hehe!). Yun ang akala nyo. Simple lang naman ang mga gusto ko. Siguro lang para sa iba, high-maintenance ako pero hindi naman ako ganun. May high-maintenance bang kumakain ng fishball at kwek-kwek sa kanto? Paborito ang piniritong galunggong? Humahabol at nakikipagsiksikan sa bus? Humahawak ng 18" adjustable wrench at nagbubukas, naglilinis ng mga strainer? At eto ngayon nasa laboratoryo ng mga uling?."




......................................................................................................
Usapan lang.

...Like Cleopatra, Joan of Arc or Aphrodite...

I am Aurora:
        as Sleeping Beauty
        as Eos (Goddess of Dawn)