Tuesday, November 29, 2011

Bayan ng mga Magigiting Checklist

Habang hinihintay ang pag-upload ng aking proyekto,
makagawa nga ng checklist ng mga gusto kong gawin pag bisita ko sa Bayan ng mga Magigiting.
(in random order)
1. Kumain ng sisig sa Alauli - yung nasa tabi ng highway. Andun pa kaya yun?
2. Kumain ng bituka ng manok sa suking nag-b-b-q sa paradahan ng tricycle papuntang Pilar sa gilid ng Mcdo. - andun pa kaya sila?
3. Mag-goto at inasal sa Big Papas - 4. Pagkatapos uminom ng Tanduay Ice o Beer Tower sa Giants. (hanggang 2 bote na lang ako, hmmmm teka, hindi naman pala ako magmamaneho sa Pinas!)
5. Pumunta sa Dagat - san ba 'to? ewan ko, sabi kase sa kin minsan dadalin daw ako dun.
6. Bisitahin ang Mt. Samat - hmmmm, ay wag na lang, may ala-ala pa dun.
6. Corregidor kaya? - kung may sasama, bakit hinde, libre ko! hehehe!
7. Magpapicture sa plaza ng Balanga - ano bang bago, bukod sa nalipat na si Jollibee?
8. Mag-renew ng Drivers License - hahaha! di na naman ako nakatira sa Bataan.
8. Magpa-morningan sa mga kwentuhan, debate at kung-anu-ano pa with old friends, sa bahay ni Madam K - syempre may bitbit akong Jose.
9. Bisitahin ang dating tinitirhan - sina Kuya at Ate, andun pa din kaya?
10. Kumain ng siomai at kwek-kwek - nasan na kaya sila nagkukumpulan?
11. May bago bang restaurant?
12. Mag night market!
13. Mag ice cream sa 7/11.
14. Maglakad sa kahabaan ng Capitol drive hanggang plaza. - pwede pagkagaling sa night market.

15. Mavideoke sa Dayrit - baka maka-100 may libreng popcorn!
...........andami-dami pa

Bataan. sa muling pagkakataon...
            sa huling pagkakataon...