Sino ba ang hindi excited sa mga balikbayan boxes
Dating nag-aabroad si Papa sa Saudi Arabia. At tuwing umuuwi sya malalaki at mabibigat ang mga balikbayan boxes ang dala nyang pasalubong. Sari-sari ang laman, chocolates syempre, sapatos, cassette at betamax tapes, pabango, damit, laruan, at kung anu-ano pa. Tandang tanda ko pa ng minsang mag-uwi sya sa kin ng isang walking doll. Ambilis kong tumakbo kay Mama dahil natakot ako, mas malaki pa kasi sa akin. Lalo na ng nilagyan niya ng baterya at magsimula itong lumakad, nanatili akong nasa likuran ni Mama. Lumapit si Papa at kinarga ako, sinabihan akong huwag matakot dahil laruan lamang iyon at sasabayan akong maglakad. Iniabot niya ang kamay ko sa kamay ng manika at hinayaan na mawala ang takot sa paglapit dito.
Retire na si Papa sa pag-aabroad. At di ko akalaing sa paglipas ng panahon ako ang papalit sa kanya sa pagiging isang bagong bayani. Nakatadhana ata ito.
Heto ang aking munting balikbayan box. Mula sa pagod, hirap at luha ng pagka-homesick, buong-buo para sa mga minamahal.
At tunay ngang Forex world: from Australia...with love.
Para sa'yo, ang pasalubong ko ay i-hand carry ko, syempre dapat ingatan malakas ka sa kin eh at higit na espesyal. Naks! (adik lang!)
No comments:
Post a Comment